Huwebes, Marso 31, 2011

Kalsada: Tahanan nila

Marso 20, 2011, habang nakasakay ako sa dyep at nilalakbay ang daan papunta ng Mall. Napapansin ko ang isang nilalang na nakupo sa kanto ng Ulas habang nakahinto ang aming sasakyan. Sa harap niya ay mga pirasong candy na sa palagay ko ay ibinibenta niya, subalit napatanong ako sa aking sarili, sa itsura o anyo niya sino ang bibili ng paninda niya? Siya ay isa sa mga taong nilalayuan natin, pinandidirihan dahil sa kanilang anyong marumi at natatakot tayong madampian man lang ng kanilang mga kamay dahil baka tayo ay mahawa.. Kawawang mga nilalang, natutulog at nagigising sa kalye. Humihingi ng tulong ngunit walang pumapansin, walang nakakarinig sa kanilang panambitan, walang tumitingin sa kanilang mga kalagayan. Sana mabigyan natin sila ng kaunting tulong, maski kakarampot mula sa mga natanggap nating biyaya sa maykapal.