Nanay kung ako'y tawagin nila
Sa lungkot sila ang aking ligaya;
Sa panghihina lakas ko'y sila,
Ang minamahal kong QPnista.
Ang mga lalake'y makulit, maingay na parang mga bata;
Magkasama sa bawat panahon ng hirap at ginhawa;
Sa kaalokohan at baasag-ulo'y ayaw magpakabida,
Sapagkat inaalala ang pananaw ng mahal na ina.
Ang babae'y simple't malalambing;
Ginhawa't hirap laging magkapiling
Pinapatatag ang bawat damdamin
Nang mapasaya itong inang giliw.
Oh, aking mga minamahal na anak!
Hiram ko man ang mga panahong kayo ay kasama;
Ngunit hindi mapapantayan ang ligayang nadama
Salamat sa handog na pagmamahal at pag-unawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento