Huwebes, Oktubre 27, 2011

Tula na may 12 pantig sa bawat taludtod

Ikinubling Damdamin

Ako ay mahalintulad sa bituin
Sa langit kumikislap ngunit di pansin
Nakangiti kahit pa may hinanakit
Sa nilalang na lihim na iniibig.

Masakit isiping ika’y tinatangi
Nitong pusong lihim na ika’y pinili
Bagamat hindi ko lubos na mawari
Kung bakit puso’y sayo tumibok muli

Hindi man batid ang nais ng damdamin
Ngunit ako ay nasasaktan ng lihim
 Sa tuwing  kasama mo ang iyong giliw
At parang musikang ika’y naaaliw.

Ngunit giliw nais kong iyong mabatid
Itong nararamdama’y nais mapatid
Upang sa puso ay may ligayang hatid
Kung masilayan ka sa kanyang gilid.



7 komento: